Wala Akong Mapagsidlan

Malungkot ako kanina at — hindi ko na maalala kung paano — pero napadako ako sa Dictionary of Obscure Sorrows. Mga inimbentong salita lang yata ito para sa mga specific na damdam at danas ng mga emotero. At dahil nga malungkot ako kanina, pumatol naman ako.

Nabasa ko ang salitang exulansis: “the tendency to give up trying to talk about an experience because people are unable to relate to it.” 

Naisip ko ‘yung minsang nagkuwento ako kay Ip tungkol sa trabaho ko. Sabi ko nahihirapan ako (at iba pang detalye na ayaw kong ibahagi rito). Pero sabi naman niya, baka sadya lang daw akong mapagdamdam. Ang mahalaga raw ay nagagawa ko ang mga task na nakaatas sa akin. Huwag ko na raw alalahanin kung paano bubuhatin ang ibang tao; unnecessary na pasanin lang daw iyon.

May punto si Ip. Mas mahalaga ngang maging objective at ituon na lang ang pansin sa mga kongkretong suliranin. Ang feelings naman ay lumilipas din.

Pero ang gusto ko pa sanang marinig kay Ip, bukod pa sa payo, ay simpatya. Gaya ng: grabe Jols huhu, huhuhu, huhuhuhu.

Charot.

Kaya medyo alangan akong magkuwento tungkol sa trabaho. Baka nga kasi ako lang ito, mapagdamdam lang ako.

Bukod sa trabaho, marami pa akong kuwentong hindi ko alam kung kanino ibabahagi, o kung may dapat man lang bang ibahagi. Pwede mo kasi silang ihambing sa participation ni Coco Martin sa recent Christmas jingle ng ABS-CBN: walang kakuwenta-kuwenta.

N’ung isang linggo, halimbawa, nag-message sa akin si MC (‘yung MC sa rakista dreams ko). Nagpadala siya ng link sa isang photography archive — link lang, walang mensahe. Tiningnan ko ‘yung website pero wala namang litrato niya. Hmm, ano kayang meron?

Pero tinamad na akong magtanong. Wala ako sa wisyo noong araw na iyon. Inisip ko na lang na nagkamali siya ng pindot, na hindi talaga para sa akin ‘yung link. At ‘ayun. ‘Yun na. D’un na nagtatapos ang pseudo-istorya.

Kamakailan din, sinundan ko ang pa-series ni rAdishhorse tungkol sa 20 E-ssential Eraserheads songs. Nainggit ako kasi marami siyang chika tungkol sa Eheads. Napa-research din tuloy ako hanggang nakarating ako sa Instagram ni Raimund Marasigan, ang crush ko sa banda. Ang laki na pala ni Atari Kim! Pero ang mas ikinagulat ko: hindi na pala si Raimund at si Myrene?

Ang tagal ko na talagang wala sa bansa; hindi na ako updated sa mga ganitong chika. Mukhang ka-age range ko rin ‘yung girlfriend ni Raims. At naisip ko, hmm, kung nagtuos kaya ang landas namin ni Raimund, may chance kayang magkatuluyan kami?

Char ‘tang inang feelingera! Okay, tama na. Quota na.

May mga ganito lang talaga akong muni-muni na walang mapaglagyan. Hindi naman kasi buo ang mga kuwentong ito. At dahil nga marami sa mga kaibigan ko ang nasa malayo, mahirap magsingit ng mga ganitong istoryang walang simula, wala ring dulo.

Kaya heto, dito na lang. Ngayon natatawa na ako sa sarili ko. Hindi na ako masyadong malungkot. Masaya ring magkuwento ng mga walang kuwentang kuwento paminsan-minsan, ‘no?


Nakuha ko rito ang featured image, litrato ng bandang Sandwich. 

5 thoughts on “Wala Akong Mapagsidlan”

  1. Tang’nang trabaho ‘yan.. Iinom na ‘yan, tapos iiyak hahaha Huhhuhuhhu. Base sa kwento mo, di ko pa rin mahulaan kung sa anong industriya ka nagtatrabaho. Pero hayaan muna natin, para may misteryo, kung sakaling mag kukuwento ka ulit tungkol dito.

    Siya, baka may virus yung email/link ni MC. Baka bot at di talaga siya yun. May past ba kayo? Hahahaha.

    Ang ganda ni Atari, no? Naconfirm mo ba na wala na talaga sina Raims at Myrene? Actually, nakita ko na rin yun sa IG yan dati. Di ko siya pina-follow pero minsan yata na-curious ako dun sa kasamang chick ni Raims. Kala ko dati si Ely lang ang matinik. Heto chismis pa tungkol sa ‘Heads. Base sa IG, yung last ex-gf niya ay syota na ngayon nung vocalist ng She’s Only Sixteen (oh di ba, from ’90s to ’00s). Pero wala na yata sa IG nilang dalawa yung mga lumang pics.

    Liked by 1 person

    1. Sinasadya ko talagang gawing vague ang mga hanash ko sa trabaho. Baka mabasa ng boss ko e, mahirap na. Haha. Pero kanina sa work, for the first time in my life, gumamit ako ng power drill. Hahaha.

      Baka nga virus. Wala kaming past ni MC e, though I wish meron. Haha. Pogi ‘yun e. Di niya ako type kasi mukha akong bagang. Hahaha.

      Confirmed, mars. May nabasa akong article in which Raims referred to Erica as his girlfriend (talagang first name basis ako ‘no?). Mukhang matagal na rin sila, mga 2015 pa (hinalukay ko talaga ‘yung IG ni ate kasi na-intriga ako, haha).

      Ang kilala ko lang na ex ni Ely ay si Toyang (fina-follow ko siya sa Multiply dati) at si Diane Ventura (dahil sa pa-statement niya n’ung nag-break ang banda). Ang ganda naman ng ex na ito, kung gan’on. Haha.

      Liked by 1 person

  2. ‘Nabasa ko ang salitang exulansis: “the tendency to give up trying to talk about an experience because people are unable to relate to it.”’

    Ganito rin ako minsan lalo na sa school. Di nila gets yung references ko kasi mas matanda ako ng at least 5 years tsaka karamihan sa kanila dito sa Canada lumaki. Hindi naman thick yung accent ko pero minsan pag nagsasalita ko natingin sila sa’kin na para bang nababagalan sila sa’kin. Dinadaan ko na lang sa wit minsan (not saying I’m witty, pero kailangan eh para hindi naman ako mukhang bato pag nakikipag-usap sa kanila.

    Pero baks, di ko alam na bet mo pala si Rayms. LOL.

    Liked by 1 person

    1. Hahaha, I know what you mean! Buti ka pa nadadaan mo sa wit! Must be nice if you can make people laugh too, ‘no? Or ewan ko, hindi talaga ako sociable e. When the conversation starts feeling like a chore, I immediately look for an out.

      Gustong-gusto ko talaga si Raims, mars! Az in! Pero not necessarily as an object of desire, kasi I was a teenager then e, and he was what, 30-something? Parang weird at that time. Pero gusto ko siya, ‘yung idea n’ya as a multi-instrumentalist (ampogi ng mga lalaking musikero ‘no??), pati ‘yung pagka-cool niya, ganern. Tas ‘yung mga USB at hard drives ko dati, nakapangalan sa mga ex niya (batay sa mga chika sa internet): Kim, Shirley, Jeng Tan. I think at one point kinonsider ko ring magpa-green ng buhok, hahaha.

      May favorite Eheads ka ba? Or hindi ka nagkaroon ng Eheads phase, ganyan? Adik ako dati e. Adik din dorm-mates ko, so nahawa na lang siguro ako hahaha.

      Liked by 1 person

      1. Ang exhausting kaya ng social interaction minsan. Talkative lang ako sa internet pero di masyado IRL depende kung hiyang ako agad sa tao. I’m the first to admit na I’m an introvert. Una akong nauwi galing sa party unless karaoke party ‘to, then I’m all in. LOL. Pero, hindi makapaniwala yung mga friends ko minsan na introverted ako kasi patawa din ako minsan. Kung alam lang nila na madalas akong nagkukulong sa kwarto and I can do an entire day without speaking to someone in person. If I tell them that feeling ko malulungkot sila for me kahit hindi naman ako nalulungkot about it. I prefer having lots of alone time. Pero, to be fair, when I’m with a person, they have my attention 100%.

        Buti na lang kinonsider mo lang magpagreen ng buhok, hindi mo tinuloy. Baka magmukha kang Chia Pet. LOL. Jk.

        I never had an Eheads phase kasi they were kinda everywhere. Like, it’s not a phase if it’s there all the time. IDK. I know I was crazy for Mojofly’s drummer one time. Kamukha nya kasi yung crush ko dati. Haha. Landi ko besh.

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.