This Is How It Ends

Last night I dreamed about The End of the World.

In the dream my family and I went to a hole-in-a-wall restaurant somewhere in the ghetto part of the city. The restaurant had a karindirya vibe. The plastic tables and chairs were arranged unceremoniously in an open garage along a crummy alley, and the trays of food were displayed behind a glass case similar to the ones in fancier turo-turo places.

My mind was elsewhere when we got there. I was thinking about Something, and Something was stressing me so hard that I decided to light a cigarette that I fished out of my sweater pocket. I puffed a smoke in front of my parents and they didn’t seem to care. All was well.

Continue reading “This Is How It Ends”

Napanaginipan ko si Luis Suarez, kamusta naman.

giphy
Source

May pasok ako ng 6:15 pm pero naiwan ako ng jeep at bus na dapat sasakyan ko. Ang ginawa ko, tiningnan ko ang iskedyul ng mga bus at jeep. Sumakay ako sa jeep na sa tingin ko magdadala sa akin sa train station na may byahe papunta sa school.

Umupo ako sa likod ng drayber para pwede kong matanong si manong kung saan ako dapat bumaba. Nang nilingon ako ni manong, anak ng potek, si Luis Suarez! Hindi naman ako sumigaw o umarteng parang shunga. Stick pa rin ako sa orihinal na problema na kailangan kong makarating sa eskwelahan bago mag-alas sais.

Tinanong ko si Suarez kung may tren ba doon sa susunod na stop (as if may konsepto ng “jeep stops” sa Pinas). Meron daw, sabi ni Suarez. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta, nakichika pa siya sa ibang pasahero. Baggy blue shirt, lumang maong — porma’t hitsurang uring manggagawa si Suarez mehn!

Continue reading “Napanaginipan ko si Luis Suarez, kamusta naman.”

Linggo ng umaga

Nanaginip ako: may sort of reunion daw ang batch ko noong hayskul. Nasa isang malaking gazebo kami. May kumakain, may mga nagtatawanan. Kahit 25 lang kami sa buong batch, may kanya-kanyang mesa pa rin ang bawat “barkada.”

Sa panaginip, hindi ako gaanong nakikisalamuha sa kanila dahil abala ako. Hindi ko na maalala kung ano nga ba ang inaasikaso ko. Nagsabi rin ako na maaga akong uuwi dahil may kailangan pa akong puntahan. Totoo ‘yun, walang stir. Abala talaga ako at hindi lang basta nagpapalusot.

Mukhang may planong mag-roadtrip ang batch kaya napag-usapan kung sino ang mga may sasakyan. May sasakyan ako at game naman akong mag-long drive. ‘Yun nga lang, kailangan ko na talagang umalis. Inisip kong sabihin na hahabol na lang ako, o kaya susubok na bumalik agad kapag natapos ko na ‘yung gagawin ko. Pero bago ko pa man nasabi iyon, biglang nag-transition ang eksena: may kasal.

Kasal daw iyon nina Ashley at Marc. Kaklase ko si Ashley noong elementary, at si Marc ang jowa niya siguro mga anim na taon na. Hindi ko naging kaklase si Marc, pero naging kaklase siya sa hayskul ng mga kaklase ko noong elem. Ang hindi ko maunawaan: anong ginagawa ng kasal nila sa gitna ng reunion namin? Siyempre panaginip lang naman ito, kaya hahayaan ko na lang na maging rhetorical ang tanong na ‘yan.

Nakausap ko rin sa panaginip si Jayson, isa sa mga ka-batch ko na naging kaibigan kong malapit, pero hindi rin. Sa tingin ko kasi, masama ako noong hayskul. Pino-project ko sa ibang tao ang mga insecurity ko, kaya kakaunti lang ang masasabi kong tunay na kaibigan ko pa rin hanggang ngayon. Nag-aaral na ng medisina si Jayson. Sa panaginip, tinanong ko siya kung sa Iloilo siya nakatira dahil doon siya nag-aaral, pero sinabi niyang hindi—iba raw ang probinsya sa lungsod ng…ewan ko.

Mula sa kasal nina A at M, nag-transition ulit ang panaginip ko. Napunta ito sa eksena sa trabaho noong Biernes (walang kinalaman sa reunion o sa kasal). Nagmadali akong umuwi para maabutan ang 4pm bus. Ako ang huling tao sa opisina, at naalala kong puta, hindi ko pala na-set ang security alarm. At nagising ako.

Nag-aalala ako. Totoong iyon ang nangyari; nakalimutan ko talagang i-set ang putang inang alarm. Pwede kaya akong mag-drive papunta sa trabaho ngayong araw para lang i-set ang alarm? Pero hindi ko man lang tiyak kung bukas ang building dahil Linggo ngayon. O baka naman pwedeng pumunta na lang ako sa trabaho nang maaga bukas (Lunes), para walang makaalam na hindi ko na-set ang alarm. Pero puta, 7am pa lang naroon na si Ruth, at medyo conspicuous kung pupunta ako roon bago mag alas siete dahil alas otso pa ang simula ko.

Ay ‘tang ina. Hahayaan ko na lang. Bukas, hihingi na lang ako ng tawad sa kapalpakan ko. Sana wala namang nawala, o nanakaw. Sana walang nangyaring masama dahil nakalimutan kong i-set ang alarm. O sana, may pumunta sa opisina at naka-realize na naka-off ang alarm at siya na mismo ang nag-set nito. Pero ya, wishful thinking. Asa pa.

Anyway, magandang umaga!

Creepy dreams

Weird things have been showing up on my dreams lately. Weird things that I remember pretty vividly even hours after I woke up. Things that, to be honest, I’d rather not remember. Sometimes I wonder whether those images, or scenes, really happened to me in real life. Maybe my mind just suppressed them to the deepest basement of my thoughts. Maybe that can explain some shit about my personality, or even my body. Ah shit, ‘tang ina. I hope I never end up going legit crazy in the scientific sense of the word.

Sari-saring panaginip

Shannon

Mula rito

Nagsha-shopping ako sa isang mall kasama ang isang babaeng hindi ko kilala sa tunay na buhay. Shannon ang pangalan niya. Mestiza, matangkad at napakaputla. Naalala ko sa kanya ‘yung nerd na kaibigan ni Lindsay sa Freaks and Geeks (see image above). Pero sa halip na weird at religious, mukhang troubled child si Shannon. Binu-bully raw siya ng mga kaklase namin, pinagtatawanan, pero hindi siya nagsasalita. Para siyang bato. Ako lang ang kaibigan niya, pero kahit ako, hindi niya rin kinakausap. Sinusubukan kong magbukas sa kanya, magkuwento, pero poker face pa rin siya. May creepy vibe ang panaginip kong ito. Parang Carrie. Parang sa mga susunod na sandali, susunggaban ako ni Shannon at maghahasik siya ng lagim sa buong mundo.

Naanod sa ilog si EJ

Screen shot 2013-12-06 at 11.50.22 AM
Ito ‘yung bata. Mula siya rito.

Tagpi-tagpi lang din ang naaalala ko sa panaginip na ito. Una, nagbalik daw ako sa high school. Naroon daw ako sa classroom sa ilalim ng cottage, kasama ang mga bagong kaklaseng mas bata kaysa sa akin. Kaklase at katabi ko raw ‘yung isa sa mga bata sa Kids React ng Fine Bros. Tinatamad akong i-google ang pangalan niya, pero tiyak kong siya ‘yung batang nasa panaginip ko. Dahil masyadong matangkad ang batang nasa harap ko, ginalaw ko ang upuan ko pakaliwa. Nairita daw sa akin itong bata mula sa Kids React, nagreklamo, ba’t daw ang ingay ng upuan ko. Ako naman, pumatol. Inaway ko rin siya, nakipagsagutan ako hanggang sinaway kami ng teacher. Agit na agit daw ako.

Cut to another scene. Same school. May isang matarik na slope na kailangan naming akyatin—ibang mga tao naman ang kasama ko. Naakyat na nila ang slope, pero ako, kinailangan ko pang bumwelo. Naglakad ako paatras, tumakbo nang mabilis, hanggang sa wakas, nakarating din ako sa tuktok. Nasa gilid ako ng kalye, at tinawag ko si EJ para magpalit kami ng pwesto. “Ayaw kong mahulog sa ilog,” sabi ko sa kanya. Kapag sinilip mo ang bingit ng kalye, may rumaragasang ilog sa ibaba. Nakakatakot. Malakas pa ang hangin, kaya natatakot talaga akong matangay at mahulog.

Tapos nahulog si EJ. Inanod siya. Takot na takot ako kasi ‘tang ina baka mamatay siya. Pabalik ang agos ng ilog, at nakita naming sinusubukan ni EJ na lumutang kasabay ng agos. Tinakbo namin ang daan pabalik, dumulas kami sa matarik na slope at nahabol namin si EJ. Inabangan siya ng mga kasama naming mabilis at malakas. Nakaligtas siya. Nag-sorry ako pagkatapos at nagising.

Ang kyut mo parang bato

Mula rito

May science project akong ginagawa. Partner ko si Chito ng Parokya, at kalaban namin si Vinci at ang kapartner niyang babae. Nag-fail ang experiment namin, pero sa huli, natalo pa rin namin ang Team Vinci. Nang pauwi na kami, naisip ni Chito na mag-swimming. Ayaw ni Vinci kasi inaantok na raw siya. Inaantok din ang partner niya. Kami lang ni Chito ang bumaba sa van nang mag-stop over kami isang cold spring.

‘Yung sumunod na eksena, nakaupo ako at may tumulak sa akin. Nalaglag daw ako sa ilog nang patalikod. Mababaw lang ang ilog, kaya nakabangon agad ako. Pagbangon ko, nakita ko si Chito, kumakanta at sumasayaw. Saka ko lang napansin na may background music palang tumutugtog at para kaming nasa music video. Hindi ako naabisuhan, ito yata ang music video ng bago nilang kanta.

Natatandaan ko pa ang chorus: ang kyut mo/ang kyut mo/parang bato. Hindi ko alam ang ginagawa ko habang tumutugtog ‘yun, pero go with the flow lang ako. Nang dumating sa “parang bato” ang lyrics, kumuha ako ng tatlong bato mula sa sahig ng ilog, nilagay ito sa palad ko, at pinakita kay Chito with matching smile. ‘Yun ang naisip kong on-the-spot interpretation ng ang kyut mo parang bato. Kasi ‘tang ina anong sense ‘di ba?

Panay kanta at sayaw lang kami habang sumasabay sa agos ng ilog. Pagkatapos ng kanta, bumalik kami sa parking lot at nakitang pinapaalis na ang iba pang Parokya members. “Alas tres na, tapos na ang oras niyo,” sabi ng boses. Inaantok silang lahat, parang nabubugnot. Kami naman ni Chito, nagmadali ring bumalik sa van para umalis na. Pahina nang pahina ang background noise, ang ingay ng makina ng kotse, ang pagsigaw n’ung mamang nagpapaalis sa amin. Hanggang mag-fade to black ang eksena at nagising na ako.

Panaginip: Naruto

Kasama ko ang mga ka-batch ko noong high school—25 lang kami sa buong batch, kaya kilala namin ang isa’t isa. Nasa isang playground daw kami, naghihintay sa mga lalaking magse-setup ng film viewing set para mapanood namin ang huling episode ng Naruto ever.

Hardcore Naruto fans daw kaming lahat, kaya nga kami may pa-special viewing ng final episode. Kung bakit sa playground, hindi ko alam. Habang naghihintay, todo ang batchmates ko sa pag-reenact ng battle scenes mula sa previous episodes. Pero sa halip na mga kage bunshin hand commands at paglipad-lipad, tumatalon-talon sila at nagbabanggaan na parang mga cute anime figures. Kulang na lang, may sound effect na toink-toink-toink sa bawat pagtalon. Tawa ako nang tawa.

Naghiyawan kami nang sa wakas, dumating na ang mga kuyang mag-aayos ng setup—hindi ko rin alam kung bakit kailangan pa naming mag-outsource ng tulong para gawin ito. Habang nae-excite sa papalapit na film showing, nilapitan ako ni Gwenifu.

“Kung may ________, ano ang tawag sa mga tulad ni Neji?” tanong niya.

Hindi ko na maalala kung ano ‘yung nasa “_____” pero may sinabi siyang counterpart ng sagot na hinahanap niya. HIndi ko rin alam ang sagot, pero ang hunch ko ay Okahairi.

“Hindi ko alam pero baka Okahairi?” sabi ko.

Well obviously walang Okahairi sa Naruto universe, at aware kami ni Gwenifu na hindi Okahairi ang sagot sa tanong niya.

“Parang owamba wamba something,” sabi niya. ‘Yung mukha ko, parang, ha? Anong owamba wamba? May ganoon ba?

Sumuko din kami at pinanood na lang ang mga kuyang nagse-set up. Ginagaya pa rin nina EJ ‘yung battle scenes. Naroon din si Elle sa tabi namin, kahit na tiyak kong wala siyang pakialam sa Naruto sa totoong buhay.

May trail of thought na sumegue sa utak ko. Nag-hesitate pa akong magsalita noong una, pero nasabi ko rin: “Ayoko sanang sabihin kasi baka husgahan n’yo ako, pero Naruto ang Harry Potter ng buhay ko.”

Nagkibit-balikat lang si Elle at sinabing, “That’s fine. Nobody minds.”

Panaginip: Pussy vs pussy [alternatively, Hello Kitty]

Nagsha-shopping daw kami ni Kelly sa isang ukay-ukay. May iba pa kaming mga kasama, pero dahil hindi ko sila kilala sa totoong buhay, hindi ko matiyak kung sino sa kanila ang kasama talaga namin sa pagsha-shopping, at kung sino ang usyoso’t ekstra lang.

May resident pusa raw sa ukayan na iyon. Pusang umaali-aligid at wala namang naitutulong sa produksyon (o baka meron, pero ayoko nang pag-isipan).

Sapatos yata ang hinahanap namin. Sapatos na babagay sa dress ko. Dahil nahihirapan kaming maghanap ng akmang sapatos, naisip kong isuot na lang ang dress habang namimili, para agad naming mahusgahan kung havey o waley ang mga sapatos na isusukat ko.

Blue ang kulay ng dress. Sleeveless, abot hanggang tuhod, medyo maluwag ‘yung chest part, at nahihigpitan ang waist part para kunwari may hugis ang mala-kawayan kong katawan.

Pagkasuot ng damit, habang pumipili ng sapatos na isusukat, napansin kong lumapit sa amin iyong pusa. Pumunta ito sa paanan ko, sa mismong ilalim ng mga hita ko. Agresibo ang pagngiyaw ng muning. Sumunggab ito pataas na para bang inaabot ang hiyas sa pagitan ng mga hita ko. Dahil nakasuot ng bestida, naramdaman kong tanging ang manipis na tela ng salawal ko lamang ang naghihiwalay sa nguso ng yagit na tigre at sa sing-a-ling ko.

Nagising ako. Agad. Hindi ko natapos ang panaginip. Ayoko ring makabalik upang malaman kung paano ito nagtapos. Mga isang oras din siguro bago ako muling bumigay sa pagdalaw ng antok.