Wala Akong Mapagsidlan

Malungkot ako kanina at — hindi ko na maalala kung paano — pero napadako ako sa Dictionary of Obscure Sorrows. Mga inimbentong salita lang yata ito para sa mga specific na damdam at danas ng mga emotero. At dahil nga malungkot ako kanina, pumatol naman ako.

Nabasa ko ang salitang exulansis: “the tendency to give up trying to talk about an experience because people are unable to relate to it.” 

Naisip ko ‘yung minsang nagkuwento ako kay Ip tungkol sa trabaho ko. Sabi ko nahihirapan ako (at iba pang detalye na ayaw kong ibahagi rito). Pero sabi naman niya, baka sadya lang daw akong mapagdamdam. Ang mahalaga raw ay nagagawa ko ang mga task na nakaatas sa akin. Huwag ko na raw alalahanin kung paano bubuhatin ang ibang tao; unnecessary na pasanin lang daw iyon.

May punto si Ip. Mas mahalaga ngang maging objective at ituon na lang ang pansin sa mga kongkretong suliranin. Ang feelings naman ay lumilipas din.

Continue reading “Wala Akong Mapagsidlan”

Rakista Dreams

Pangarap ko talagang maging rockstar noong hayskul. Pantasya kong maging gitarista sa isang banda, at kami raw ‘yung bandang hindi sobrang sikat, pero hindi rin naman nakabaon sa kaibuturan ng “who u.” Sakto lang. Sapat lang.

Marunong akong maggitara pero hindi ako mahusay. Sabi sa mga nababasa kong magazine dati, hindi rin daw technically mahusay ang Eheads noong nagsisimula pa lang sila. Pinanghawakan ko ‘yun, baks. Kasi ibig sabihin, hindi ko rin kailangang maging henyo bago ako maging legit na musikero.

Pero napapaligiran ako noon ng mga batang henyo. Ang dami kong ka-eskwela na mahusay sa gitara, sa violin, sa cello, pati sa kudyapi at sa kulintang. At sa tantya ko, sila ‘yung mga batang sadyang ipinanganak na mahusay. Gifted, kumbaga.

Continue reading “Rakista Dreams”

Postscript

I know when to use ng and when to use nang. I also know the difference between pinto and pintuan. But is it spelled anu-ano, or is it ano-ano? And is “although” bagaman? Bagamat? Are they both correct? Beats me.

But I do know that hyphens are used for repeated words and that repetition necessitates likeness. So technically it should be sino-sino, not sinu-sino; taon-taon, not taun-taon. This rule, however, also implies that halo-halo (a combination of unlike objects) is different from haluhalo (our favorite dessert).

It reads wrong, and it looks wrong — who spells it haluhalo anyway? But experts insist that this isn’t a matter of preference. “Paano ka magtuturo ng language kung lahat ay tama?” asks national artist Virgilio Almario in a Wasak interview with Lourd de Veyra. Everyone, including the media, must follow the rules. So it should be ni’yo, not n’yo (rule on contraction); imahen, not imahe (rule on etymology); siyokoy, not syokoy (rule on diphthongs).

Continue reading “Postscript”

bicol express, manhattan stop

cycles_deleon

The saddest line of the night, apologies to Neruda, is this: I don’t miss home anymore.

I think about home sometimes, usually during the ungodly hour of the night when souls are at their most fragile. And when I think of home, I think of the past, of memories lived and now cherished, of regrets nurtured but now tempered. I have learned to nod terms with my old self, apologies to Didion, and I am now at peace with my decision.

I don’t miss home anymore, but I still call it as it is — home, and always will be.


bicol express, manhattan stop
Marie Bismonte

no geographical coordinate can pinpoint
a word that embodies a concept:

home is not a location, remembered in distant lands.
nor is it a journey from the road to Mayon,

where all beginnings take root invoked in sepia,
nor an arrival of an express train to the Upper East Side

in Manhattan, people ask me what i am.
all answers lead nowhere

in my head, i am neither a citizen or a national
but a transient between memories, moving through

post-it-notes and found postcards
to forgetting what cannot be remembered.

home is not a word.
it is a language of the sense:

an approximation of ingredients
to create the right mnemonic

in the pan, bicol express simmers—
the steam of bagoong and gata rising

to a smell abhorred by neighbors
who call it too ethnic, but to me it is

decoding the landmarks of my past,
the sili burning tracks

on my esophagus, a combination of words
that defies expression—

my tongue incapable of speech
as it recalls the taste tugging at my throat:

the loss of what cannot be recovered in
each meal, the comfort that makes my eyes water.


The poem above was published in the the anthology Crowns and Oranges: Works by Young Philippine Poets (2009), edited by Cirilo F. Bautista and Ken Ishikawa.

The featured image is Cycles by Dawani de Leon

Apatetiko

May magandang sinabi ang playwright na si Bertolt Brecht tungkol sa apathy:

bertolt-brecht-1352087

Ganda, ‘no? Medyo antagonistiko nga lang. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Gui noong college: “Masakit kayang maparatangan na apathetic.” I get it, man. Nakakapikon nga siguro ang ma-reduce agad sa “apathy” ang kawalan natin ng tindig sa mga bagay-bagay. Sa dami ng mga inaalala natin — trabaho, pamilya, pag-ibig, etc — minsan wala na talagang oras para magmuni at umaksyon ukol sa mga nangyayari sa lipunan.

Pero may mga tao rin namang sadyang ayaw makisangkot sa kahit anong usaping pulitikal. Karaniwang argumento ang “may iba kasi kaming paraan ng pagsilbi sa bayan.” Madalas nababanggit ang pagbayad ng tamang buwis at pagsunod sa mga batas trapiko. “Being a law-abiding citizen is our way of subversion,” anila.

Continue reading “Apatetiko”

Malungkot ang kapatid ko

Madilim

Malungkot ang kapatid ko at hindi niya alam kung bakit.

Matutulog siya, magigising sa umaga, at maaalalang malungkot pala siya — pero hindi niya alam kung bakit.

Babangon siya at magtatrabaho. Didiretso siya sa gym pagsapit ng alas singko, magbubuhat pagkatapos tumakbo. Mahihirapan siya sa simula pero maiaangat niya ang barbel nang sampu, tatlumpung beses. Para bang sanay na sanay na siyang pumasan ng mabigat, pero malungkot pa rin siya at hindi niya alam kung bakit.

Continue reading “Malungkot ang kapatid ko”

Versatile Blogger Award

versatile-blogger-award

Salamat kay Juvie sa pagnomina sa akin.

Kagaya ng ibang award, simple lang ang panuto: magpasalamat sa nagnomina, maglista ng pitong bagay tungkol sa sarili, at magnomina ng iba pang blogger.

Rebelde mode ako ngayon kaya naisip kong magsulat ng pitong opinyon tungkol sa drug war. Hindi na rin ako magnonomina ng ibang blogger at baka matakot pa sila.

Handa rin akong makinig sa opinyon ng iba. Kinikilala kong may mga tinatamasa akong pribilehiyo na maaaring nagpapapurol sa kapasidad kong magsuri. Gayunman, huwag sanang iikot ang mga puna sa, “hindi ka kasi tagarito.” Matagal nang may krimen at may mga adik — Tondo na ang Tondo kahit noong nasa Pilipinas pa ako. At sa tingin ko, may karapatan din namang magkuro kahit ang mga migrante at OFW.

Continue reading “Versatile Blogger Award”