“Bakit kapag close kayo ng tao, open kayo sa isa’t isa?”

Dapat talaga nag-aaral ako ngayon e. May limang exam ako next week, pero dahil nakakawalang-ganang mag-aral dito sa bahay, ito na muna ang aatupagin ko.

Bale naghanap ako ng mga tanong na walang kwenta — ‘yung mga tanong na parang namimilosopo lang — tapos papatulan ko sila isa-isa.


Alin ba talaga ang nauna, ang itlog o ang manok?

Kung magiging scientific tayo ano, ang tamang sagot ay itlog.

Continue reading ““Bakit kapag close kayo ng tao, open kayo sa isa’t isa?””

Hulyo

Bago ako magsimulang kumuda tungkol sa buwan ng Hulyo, ikukuwento ko muna na kanina, araw ng Linggo, bandang alas siete ng umaga, nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay. Gutom na gutom kasi ako.

N’ung Biernes pa ‘yung huling kain ko, pananghalian na shawarma mula sa isang restaurant malapit sa opisina. Biernes ng gabi dumaan lang ako sa mall at bumili ng ice cream (isang cup ng white chocolate with raspberry!). Kahapon naman, Sabado, nagkape lang ako buong araw. Balak ko naman talagang mag-almusal kaninang umaga, pero ‘ayun na nga, hinimatay ako. Nang magising ako sa sahig ng kusina kung saan ako bumagsak, kumain agad ako ng tsokolate at pumasok sa kwarto para humiga at magpahinga. Hayayay.

Pero ayos naman na ako ngayon. Namalengke na ako kanina, okay na. Susubukan ko na lang siguro na hindi magpagutom ulit. Hmm.

So mabalik tayo sa Hulyo. Ano nga ba ang nangyari n’ung Hulyo?

Continue reading “Hulyo”

Ilang Paboritong Akda

Sa dalas ko ba namang magsayang ng oras sa WordPress, imposibleng hindi ako magkaroon ng mga paboritong blog post. Gusto ko nga sanang magsimula ng buwanang listahan e — ‘yung tipong monthly favorites ba — pero lagi naman akong gahol sa oras.

Kaya paspasan lang din itong post na ito. Nais ko lang ilista at ibahagi ang ilan sa mga akdang madalas kong binabalik-balikan, bago ko pa man sila makalimutan.


Deboto ako ng mga senyales.

Sa tuwing iiyak ang pinto, alam kong nariyan ka na. Musika ang tunog ng mga yapak mo papunta sa ’kin. Kapag may uwi kang sariwang lumpia, ibig sabihi’y hindi ako nawaglit sa maghapon mo. Walang bantas ang mga mensahe mo kung sabik kang makita ako.

Mula sa “Para Sa ‘Yong Naghihintay ng Senyales” ni Ron Camino
Continue reading “Ilang Paboritong Akda”

Buryong

Minsan may mga gabing nangungulila ako sa kausap kahit wala naman ako sa wisyong makipag-usap. Nakakatamad tumawag o mag-text, magbihis nang maayos, lumabas ng bahay, atbp. Dapat nga magkikita kami ni Ip ngayon e pero nakalimutan niya yata. Medyo wala rin akong ganang makipagkita sa totoo lang, kaya hindi ko na rin sa kanya ipinaalala.

Anyway Huawei, may nahanap akong Random Question Generator kanina. Basic lang ang mga tanong pero pwede nang patulan. E sa wala akong magawa e.

Continue reading “Buryong”

Wala Akong Mapagsidlan

Malungkot ako kanina at — hindi ko na maalala kung paano — pero napadako ako sa Dictionary of Obscure Sorrows. Mga inimbentong salita lang yata ito para sa mga specific na damdam at danas ng mga emotero. At dahil nga malungkot ako kanina, pumatol naman ako.

Nabasa ko ang salitang exulansis: “the tendency to give up trying to talk about an experience because people are unable to relate to it.” 

Naisip ko ‘yung minsang nagkuwento ako kay Ip tungkol sa trabaho ko. Sabi ko nahihirapan ako (at iba pang detalye na ayaw kong ibahagi rito). Pero sabi naman niya, baka sadya lang daw akong mapagdamdam. Ang mahalaga raw ay nagagawa ko ang mga task na nakaatas sa akin. Huwag ko na raw alalahanin kung paano bubuhatin ang ibang tao; unnecessary na pasanin lang daw iyon.

May punto si Ip. Mas mahalaga ngang maging objective at ituon na lang ang pansin sa mga kongkretong suliranin. Ang feelings naman ay lumilipas din.

Continue reading “Wala Akong Mapagsidlan”