Pagtoma at Pag-ibig: Mga muni-muni ukol sa I’m Drunk, I Love You

mv5bmzawmtg3zgutyzhizs00ymrklthkzdgtodjky2y2mwzkmtayl2ltywdlxkeyxkfqcgdeqxvynti5njiymw-_v1_

Nauuso yata ang mga pelikulang lunsaran ng mga personal na danas at hanash ng mga batang direktor. Cinema as self-expression, ika nga, at ang layunin ay ang maantig ang puso ng madla dahil unibersal naman ang tamis at alat at pait ng naunsyaming pag-ibig.

Sa ganitong framework ko nakikita ang I’m Drunk, I Love You ni JP Habac. Hindi kailangan ng extensive research upang mabuo ang kwento nina Carson at Dio, matalik na magkaibigan ngunit palihim na iniibig ng babae ang lalaki.

May sariling vibe ang IDILY kahit gasgas na ang premise nito. May road trip at indie hymns na nakasalansan sa naratibo at may mga eksena ring pang-music video ang hitsura at haba. Cool at hip, pero hindi pretensyoso. Swak ang aesthetics ng pelikula sa panlasa ng target demographic nito: ang nakababatang bahagi ng populasyon na may prebilehiyong tumuntong sa kolehiyo at magwaldas ng pera sa beer.

Continue reading “Pagtoma at Pag-ibig: Mga muni-muni ukol sa I’m Drunk, I Love You”