A Playlist For No One

夢 中 人 – Faye Wong

You liked Chungking Express, didn’t you?

Have I told you that Chungking is among my favorite films of all time? Why, you ask? Maybe it’s the actors, the fact that I find them both very attractive. Maybe it’s the little details too, the fact I now associate canned pineapples and broken plumbing pipes with longing and loneliness.

Or, hmm, maybe it’s just because of that “Dreams” song, that Cranberries cover which I dearly love, and which I’m guessing you love too — do you? Or are my clairvoyant powers failing me again, huh?

Continue reading “A Playlist For No One”

TGFM #2

In Tall Buildings – Gregory Alan Isakov
So goodbye to the sunshine / goodbye to the dew / goodbye to the flowers / and goodbye to you

Alaska – Maggie Rogers
And now, breathe deep, I’m inhaling / You and I there’s air in between

Nightmares – Josh Ritter
Nightmares have their dreams as well / And when they sleep they go to hell

Umuwi na tayo dahil wala nang sense ang ating mundo

N’ung Sabado, halos buong araw kong pinakinggan nang paulit-ulit ang Parnaso ng Payaso, ang tanging album ng Pan sa pagkakaalam ko. Ang sakit sa puso. Hindi naman malungkot at malakas maka-“aray naku” ang tema ng album. Sadyang may kakayahan lang talaga ang musika na manghikayat ng lungkot at mag-udyok ng pangungulila.

Kaninang umaga, naligo ako sa saliw ng “Nakauwi Na” ng Ang Bandang Shirley, isa sa mga paborito kong banda. Naadik ako sa kanila noong nasa Pilipinas pa ako at paulit-ulit ko ring pinatugtog itong “Nakauwi Na” sa opisina ng dyaryo. Minsang pinuna ng ilang kasamahan ang lyrics ng kanta dahil may mali raw sa grammar. Mali raw ang tense ng “nakauwi na” dahil inconsistent ito sa tense ng ibang linya. Siyempre ipinagtanggol ko naman. Katumbas kako ng “I’m home” ang “nakauwi na.” As in: “I feel like I’m home whenever I’m with you.” E wala sa mood makipagtalastasan ‘yung dalawang kumag kaya ‘ayun, nauwi na lang kami sa a basta.

Hindi ako super fan ng Rivermaya pero lolokohin ko lang ang sarili ko kung itatanggi kong natutuwa ako sa mga kanta nila. Kung batang 90s (o early 2000s) ka sa Pilipinas, mahirap iwasan ang Rivermaya. Laging nasa radyo ang mga kanta nila noon. ‘Yung mga kakilala kong nag-aaral maggitara, inaaral at tinutugtog lagi ang “Hinahanap-hanap Kita.” May tatlo kaming party noong hayskul at laging may Rivermaya para sa slow songs — You’ll Be Safe Here, If, 214, at iba pa.

Sa totoo lang hindi naman ako masyadong malungkot na watak-watak na sila. May “Rivermaya” pa rin naman pero hindi na maibabalik ‘yung dati. Sabi nga ng isang kasamahan sa dyaryo, “Buti na lang talaga marami silang naimbak na magagandang kanta.” True, true.

At siyempre, ang quintessential angas song ng mga OFW (kahit hindi naman ako OFW): “Balikbayan Box” ng Eraserheads. Ewan ko kung bakit hindi ito simpatok ng iba pang kanta ng ‘Heads. Ang husay/ganda/sarap sa puso ng buong Sticker Happy.

Hay. Nami-miss ko ang UP, mehn. Nami-miss ko ang Pilipinas. Oh well. Kibit-balikat na lang. At buntong-hininga. Isang malalim at payapang buntong-hininga.