Hindi na ako marunong magkuwento

Sabi sa akin ng isang kaibigan kamakailan lang, “Jolens, hindi ka na marunong magkuwento.”

Nag-usap kasi kami sa video call at napansin niyang ang tipid ko raw magkuwento. Kahit simpleng paglatag sa kung ano ang ginagawa ko sa araw-araw, parang hirap na hirap daw ako. Paikot-ikot, walang sinasabi kahit may sinasabi—basta magulo.

Ang totoo kasi niyan, wala lang talaga akong maikuwento.

E sa wala e. Simula n’ung natapos ang semestre at naubusan ako ng mga gagawin, wala nang nangyayari sa buhay ko. Magigising, magkokompyuter, makikipagtitigan sa kompyuter—gan’un lang. Naghahanap din ako ng trabaho, siyempre, pero matumal talaga ang ekonomiya ngayon.

Continue reading “Hindi na ako marunong magkuwento”