Wala Akong Mapagsidlan

Malungkot ako kanina at — hindi ko na maalala kung paano — pero napadako ako sa Dictionary of Obscure Sorrows. Mga inimbentong salita lang yata ito para sa mga specific na damdam at danas ng mga emotero. At dahil nga malungkot ako kanina, pumatol naman ako.

Nabasa ko ang salitang exulansis: “the tendency to give up trying to talk about an experience because people are unable to relate to it.” 

Naisip ko ‘yung minsang nagkuwento ako kay Ip tungkol sa trabaho ko. Sabi ko nahihirapan ako (at iba pang detalye na ayaw kong ibahagi rito). Pero sabi naman niya, baka sadya lang daw akong mapagdamdam. Ang mahalaga raw ay nagagawa ko ang mga task na nakaatas sa akin. Huwag ko na raw alalahanin kung paano bubuhatin ang ibang tao; unnecessary na pasanin lang daw iyon.

May punto si Ip. Mas mahalaga ngang maging objective at ituon na lang ang pansin sa mga kongkretong suliranin. Ang feelings naman ay lumilipas din.

Continue reading “Wala Akong Mapagsidlan”

Malungkot ang kapatid ko

Madilim

Malungkot ang kapatid ko at hindi niya alam kung bakit.

Matutulog siya, magigising sa umaga, at maaalalang malungkot pala siya — pero hindi niya alam kung bakit.

Babangon siya at magtatrabaho. Didiretso siya sa gym pagsapit ng alas singko, magbubuhat pagkatapos tumakbo. Mahihirapan siya sa simula pero maiaangat niya ang barbel nang sampu, tatlumpung beses. Para bang sanay na sanay na siyang pumasan ng mabigat, pero malungkot pa rin siya at hindi niya alam kung bakit.

Continue reading “Malungkot ang kapatid ko”