“Bakit kapag close kayo ng tao, open kayo sa isa’t isa?”

Dapat talaga nag-aaral ako ngayon e. May limang exam ako next week, pero dahil nakakawalang-ganang mag-aral dito sa bahay, ito na muna ang aatupagin ko.

Bale naghanap ako ng mga tanong na walang kwenta — ‘yung mga tanong na parang namimilosopo lang — tapos papatulan ko sila isa-isa.


Alin ba talaga ang nauna, ang itlog o ang manok?

Kung magiging scientific tayo ano, ang tamang sagot ay itlog.

Continue reading ““Bakit kapag close kayo ng tao, open kayo sa isa’t isa?””

101 Questions

Nahihilo na ako sa dami ng mga dapat kong gawin kaya heto, pahinga muna. May nahagilap akong mga “random” na tanong sa Thought Catalog at sasagutin ko lang ang mga ito nang paspasan.

Iyon ang keyword, paspasan. Isa hanggang tatlong pangungusap lang. Hindi ako maglalaan ng mahabang panahon kada tanong, at lalong hindi ako dadaldal. Sabi nga ni Mareng Donna Cruz, isang tanong isang sagot lang — times one hundred and one.

Continue reading “101 Questions”

Searching 3.0: OPM and Figures of Speech

I found an interesting query under last week’s Search Terms:

My OPM favorites post has a few examples but it doesn’t explicitly state which lines count as personification. Hopefully the kids who were searching still found it helpful — I bet you they were actual kids cramming for an assignment. 🙂

Anyhow, I decided to do some further digging and write about the different ways figurative language has featured in OPM lyrics. I initially wanted to explore at least 10 figures of speech but because I tend to get way too chatty about these things, I eventually narrowed them down to three: simile, metaphor, and personification.

Continue reading “Searching 3.0: OPM and Figures of Speech”

Ilang Paboritong Akda

Sa dalas ko ba namang magsayang ng oras sa WordPress, imposibleng hindi ako magkaroon ng mga paboritong blog post. Gusto ko nga sanang magsimula ng buwanang listahan e — ‘yung tipong monthly favorites ba — pero lagi naman akong gahol sa oras.

Kaya paspasan lang din itong post na ito. Nais ko lang ilista at ibahagi ang ilan sa mga akdang madalas kong binabalik-balikan, bago ko pa man sila makalimutan.


Deboto ako ng mga senyales.

Sa tuwing iiyak ang pinto, alam kong nariyan ka na. Musika ang tunog ng mga yapak mo papunta sa ’kin. Kapag may uwi kang sariwang lumpia, ibig sabihi’y hindi ako nawaglit sa maghapon mo. Walang bantas ang mga mensahe mo kung sabik kang makita ako.

Mula sa “Para Sa ‘Yong Naghihintay ng Senyales” ni Ron Camino
Continue reading “Ilang Paboritong Akda”

Rakista Dreams

Pangarap ko talagang maging rockstar noong hayskul. Pantasya kong maging gitarista sa isang banda, at kami raw ‘yung bandang hindi sobrang sikat, pero hindi rin naman nakabaon sa kaibuturan ng “who u.” Sakto lang. Sapat lang.

Marunong akong maggitara pero hindi ako mahusay. Sabi sa mga nababasa kong magazine dati, hindi rin daw technically mahusay ang Eheads noong nagsisimula pa lang sila. Pinanghawakan ko ‘yun, baks. Kasi ibig sabihin, hindi ko rin kailangang maging henyo bago ako maging legit na musikero.

Pero napapaligiran ako noon ng mga batang henyo. Ang dami kong ka-eskwela na mahusay sa gitara, sa violin, sa cello, pati sa kudyapi at sa kulintang. At sa tantya ko, sila ‘yung mga batang sadyang ipinanganak na mahusay. Gifted, kumbaga.

Continue reading “Rakista Dreams”