Quarterfinals, beybeh!

Aba’y halos sumabog ang pantog ko sa laban ng Argentina at Switzerland! Ang saya-saya! Worth it ang pagpigil sa ihi na kaninang-kanina pa gustong bumulwak sa puson ko! Messi and Di Maria connection for the win! Maraming maraming salamat sa mga diyos at diyosa, anito’t anita na kumampi sa pwersa ng Santo Papa (that’s some convoluted religious allusions right there haha)! Paabutin po natin ito hanggang sa finals!

At, siyempre, sana po matalo ang Estados Unidos mamaya. Sugod Belgium, sugooooood!